Humina pa ang bagyong may international name na Wutip habang papalapit ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,985 kilometers east ng Central Luzon.
Nabawasan pa ang lakas nito at taglay ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers bawat oras.
Mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-Kanluran.
Ayon sa PAGASA, bukas ay maaring pumasok sa bansa ang bagyo at papangalanang Betty.
Gayunman, hhindi ito inaasahang makaaapekto saanmang panig ng bansa.
Inaasahan din ang paghina nito bilang tropical storm na lamang bukas, tropical depression sa Biyernes at magiging Low Pressure Area na lamang sa Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.