90K na bote ng vodka na hinihinalang dadalhin sa North Korea, nasabat ng Dutch Customs

Tatlong libong cases ng alak na sakay ng barkong pag-aari ng Cosco Shipping mula China ang natagpuan ng mga opisyal sa pier ng Rotterdan.

Ayon sa tagapagsalita ng Dutch customs agency na si Roul Velleman, tatlong libong case ng alak ang natagpuan sa pier ng Rotterdan lulan ng barkong pag-aari ng Cosco Shipping mula China.

Ang nasabing container ay kabilang sa “risk profile” at nang inspeksyunin, dito na napatunayan na vodka ang laman ng container.

Ayon pa kay Velleman, sa China ang destinasyon ng barko at maaaring dalhin ang mga ito sa North Korea.

Matatandaan na ang North Korea ay pinatawan ng parusang ban sa pag-iimport ng ilang mga luxury goods dahil sa patuloy nitong ballistic missile testing at paglabag sa UN resolution.

Sinabi pa ni Valleman na 90% ang posibilidad na sa North Korea ang huling destinasyon ng mga alak.

Tumanggi naman siyang kumpirmahin kung ang mga vodka ay para kay North Korean leader Kim Jong Un.

Read more...