LOOK: Catriona Gray binisita ang mga bata sa Tondo, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2019 - 10:24 AM

Binisita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga bata sa Tondo, Maynila na sinusuportahan ng grupong Young Focus Philippines.

Ayon kay Cat, masaya siyang mabalikan ang kaniyang pamilya sa Young Focus at nangako ring patuloy na tutulungan ang grupo sa kanilang adbokasiya at mga proyekto para sa mga bata.

Sinampolan pa ni Catriona ang mga bata at volunteers ng kaniyang lava walk at tanyag na slow-mo turn.

Inawit rin ni Catriona ang kaniyang single na “We’re In This Together” at sinabayan siya sa pagkanta ng mga bata.

Sa kanilang mensahe, sinabi nina Young Focus founders Paul at Ann Van Wijgerden, napakarami nilang dapat ipagpasalamat kay Catriona.

TAGS: Catriona Gray, Tondo Manila, Young Focus Philippines, Catriona Gray, Tondo Manila, Young Focus Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.