4 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bicol

Arestado ang apat na katao sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa sa Legazpi City at Naga City.

Ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, ang mga suspek na sina Jernalyn Villanueva, Maricel Rangasajo at Irene Villanueva ay naaresto sa Barangay Pigcale sa Legazpi City.

Nakuha mula sa mga suspek ang 100 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nasa P680,000 ang halaga.

Sa Naga City naman, naaresto si Jerwin Ajero, 32 anyos.

Nakuha sa kanya ang isang heat-sealed plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P170,000.

Read more...