Suspek sa panggagahasa at tangkang pagpatay sa batang babae sa Cainta, naaresto na

Naaresto na ng mga otoridad ang suspek sa panggagahasa at tangkang pagpatay sa isang 9 na taong gulang na batang babae sa Cainta.

Ang nasabing bata ay nailigtas matapos matagpuang nakatali at puro pasa sa katawan sa ilalim ng tulay sa Ortigas Extension.

Kinilala ang suspek na si Pepito Tagal na nadakip sa Barangay San Roque sa Cubao, Quezon City matapos na mismong ang kaniyang misis ang magbigay ng impormasyon sa opisyal ng barangay sa kaniyang kinaroroonan.

Si Tagal ay nahatulan na sa kasong robbery at 13 taong nakulong sa bilibid. Ayon sa mga otoridad, siya rin ay kilalang adik.

Sinabi ni Kagawad Ramil Singson ng Barangay San Roque sa Cubao, matapos nilang malaman na sa kanilang lugar nagtatago ang suspek agad nila itong ipinagbigay alam sa mga pulis.

Nadatnang natutulog sa loob ng tricycle ang suspek nang siya ay lapitan ng mga taga-barangay.

Nakuhanan siya ng isang ice pick at isang improvised na Swiss knife.

Read more...