Nanay ni Sen. Trillanes ipapa-subpoena ni Pangulong Duterte
Ipasa-subpoena Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ni Senador Antonio Trillanes IV na si Gng. Estelita Trillanes.
Ito ay may kaugnyan sa mga transaksyon na pinasok ng 84 na taong gulang na si Ginang Trillanes sa Philippine Navy.
Sa talumpati ng pangulo sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa Maynila noong Martes ng gabi, sinabi nito na sumobra na si Senador Trillanes.
Ayon sa pangulo, asahan na na magkakaroon ng imbestigasyon sa kaso ni Ginang Trillanes sa mga susunod na araw
Dagdag ng pangulo, sa ayaw at gusto ni Trillanes, kanyang ipasa-subpoena ang ina nito.
Ayon sa pangulo, mayroon siyang contempt power pero kinakailangan niya munang magtungo sa korte.
“Sumobra ka. We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo at sa hindi. Baka sabihin mo walang power. There is. We also have the contempt power but we have to go to court,” ayon sa pangulo.
Una nang umapela si Trillanes na huwag nang isama sa gulo ang kanyang ina dahil nakararanas na ng Parkinson’s disease.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.