60 minero natabunan sa gumuhong gold mine sa Indonesia

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2019 - 09:12 AM

Gumuho ang isang minahan ng ginto sa Sulawesi, Indonesia.

Ayon sa disaster agency ng Indonesia, pinangangambahan nilang aabot sa 60 na katao ang natabunan sa pagguho ng minahan sa bahagi ng Bolaang Mongondow sa North Sulawesi.

Alas 5:00 ng umaga oras sa Indonesia, sinabi ng disaster agency na mayroon nang isang natagpuang patay at 13 ang nailigtas.

Patuloy pa ang paghahanap sa marami pang natabunan.

Ayon kay disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho, nasa kasagsagan ng pagmimina ang mga trabahador nang biglang mawasak ang beams at supporting boards sa minahan.

TAGS: Bolaang Mongondow, Gold Mine, illegal mining, mining, Sulawesi Indonesia, Bolaang Mongondow, Gold Mine, illegal mining, mining, Sulawesi Indonesia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.