Employers na mamimili ng lalaking empleyado para maiwasan ang Expanded Maternity Law binalaan
Nagbabala si Gabriela Rep. Arlene Brosas sa mga employer na mamimili ng lalaking manggagawa para lang makaiwas sa naisabatas na Expanded Maternity Leave Law.
Ayon kay Brosas, labag ito sa Magna Carta of Women at sa bagong lagdang batas dahil nakasaad dito ang pagbabawal sa diskriminasyon sa female applicants at maaaring magmulta ang mga employer.
Kung tutuusin aniya ay napakaliit lang ng bilang ng mga buntis na manggagawa kung ikukumpara sa kabuuang sahod ng kababaihan.
Bukod pa rito ang katotohanang hindi lahat ay nakapaghahain ng maternity leave sa trabaho dahil sa kontraktwalisasyon.
Sinabi naman ni Rep. Emmi De Jesus na walang dapat ikabahala sa hiring process dahil maraming sub-sectors ang may workforce na mayorya ay mga kababaihan.
Sa halip na pairalin ang diskriminasyon ay dapat umanong kilalanin ang produktibong ambag ng kababaihan sa ekonomiya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.