Ang nasabing suspek ay sangkot umano sa pagduktor ng grades ng mga bumabagsak na estudyante.
Lumapit sa NBI anti-organized and transnational crime ang mag-amang Nelson at Kenneth Alcid matapos na mabigo si Angeles na magawan ng paraan upang matatakan ng “passed” ang grade ng estudyanteng si Kenneth na naunang dinismis sa DLSU dahil sa mga bagsak na marka.
Nabatid na hiningan ng suspek ng halagang P375, 430 ang mag-amang complainant.
Base sa pahayag ng suspek ang nasabing halaga ay para umano sa tuition fee ni Kenneth, panlibre sa kanyang mga professor, pinansiyal na tulong sa pagkamatay ng asawa ng suspek, mga gamot ng suspek, Christmas gifts para sa mga propesor at community service at para sa isang Sir Onin.
Bukod sa mahigit P365,000 plus ay hiningan din ng suspek ang biktima ng P35,000 ngunit sa kabila naman ay hindi natupad ang pangakong tutulong ang suspek na makapasa sa DLSU ang complainant.
Samantala, inaalam na rin ngayon ng NBI kung sinu-sino pa ang mga kasabwat ni Angeles.