Fixer na nag-aayos ng grades ng mga estudyante naaresto ng NBI

By Ricky Brozas February 27, 2019 - 08:48 AM

Hindi na nakapalag sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na kinilalang si Charity Angeles at nagpapakilalang tauhan ng De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila.

Ang nasabing suspek ay sangkot umano sa pagduktor ng grades ng mga bumabagsak na estudyante.

Lumapit sa NBI anti-organized and transnational crime ang mag-amang Nelson at Kenneth Alcid matapos na mabigo si Angeles na magawan ng paraan upang matatakan ng “passed” ang grade ng estudyanteng si Kenneth na naunang dinismis sa DLSU dahil sa mga bagsak na marka.

Nabatid na hiningan ng suspek ng halagang P375, 430 ang mag-amang complainant.

Base sa pahayag ng suspek ang nasabing halaga ay para umano sa tuition fee ni Kenneth, panlibre sa kanyang mga professor, pinansiyal na tulong sa pagkamatay ng asawa ng suspek, mga gamot ng suspek, Christmas gifts para sa mga propesor at community service at para sa isang Sir Onin.

Bukod sa mahigit P365,000 plus ay hiningan din ng suspek ang biktima ng P35,000 ngunit sa kabila naman ay hindi natupad ang pangakong tutulong ang suspek na makapasa sa DLSU ang complainant.

Samantala, inaalam na rin ngayon ng NBI kung sinu-sino pa ang mga kasabwat ni Angeles.

TAGS: DLSU, fixer, NBI, Radyo Inquirer, DLSU, fixer, NBI, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.