12 bahay tinupok ng apoy sa Boracay

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2019 - 07:06 AM

Tinupok ng apoy ang 12 mga bahay sa Sitio Bolabog, Barangay Balabag sa Boracay Island Martes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire, nagsimula ang apoy bago mag-alas 8:00 ng gabi na mabilis kumalat sa mga kabahayan dahil pawang gawa sa light materials ang mga ito.

Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 50,000 piso ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Naapektuhan ng sunog ang mga pamilya at empleyado ng mga resort sa isla.

TAGS: aklan, Boracay Island, bureau of fire, fire incident, aklan, Boracay Island, bureau of fire, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.