Konstruksyon ng kauna-unahang subway sa bansa, sisimulan na ngayong araw
Pormal nang uumpisahan ngayong araw ang konstruksyon ng Metro Manila Subway – ang kauna-unahang subway sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) idaraos ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto ngayong araw.
Ang subway ay mayroong habang 36 kiometers, may 15 istasyon at dadaan sa 3 business districts sa Metro Manila.
Sisimulang gawin ang unang tatlong istasyon ng subway na Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue at ang Shimizu Joint Venture ng Japan ang magdidisenyo nito.
Sa 2022 ay inaasahang mag-ooperate na ang unang tatlong istasyon ng subway.
Sa sandaling maging fully operational na sa 2025, pakikinabangan ito ng 370,000 na pasahero kada araw.
Mapabibilis din nito ng 30-minuto lang ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA terminal 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.