Kantang ‘Despacito,’ mayroon ng 6 bilyong YouTube views

Ang mega-hit na “Despacito” ni Puerto Rican singer Luis Fonsi ang most watched video sa YouTube sa ngayon sa mahigit anim na bilyong views.

Ang video ni Fonsi at Puerto Rican rapper Daddy Yankee na unang inilabas noong January 2017  ang may hawak na ngayon ng record na “fastest two billion, three billion and four billion vies.”

Ang South Korean singer na si Psy ang unang nakapagtala ng two billion views sa kanta nitong “Gangnam Style” noong 2012.

Ang kanta ni Psy ay nasa ikalimang YouTube chart na ngayon sa 3.3 billion views.

Read more...