DOH: Patay sa tigdas mula Enero, umabot na sa 203

By Len Montaño February 27, 2019 - 04:36 AM

Umabot na sa 203 ang bilang ng mga namatay sa tigdas mula noong Enero ng kasalukuyang taon.

Base sa huling datos ng Department of Health (DOH), sa buong bansa ay nasa 12,700 na ang kaso ng tigdas mula unang buwan ng 2019 hanggang February 23.

Ito ay sadyang mataas kumpara sa mahigit 2,400 na kaso na naitala noong taong 2017.

Ayon sa DOH, mahigit kalahati ng mga namatay ay mga batang limang taong gulang pababa.

Patuloy naman ang paalala ng World Health Organization (WHO) kaugnay ng bakuna kontra tigdas dahil sa outbreak na naitala sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

TAGS: bakuna, doh, Health, measles outbreak, patay sa tigdas, tigdas, WHO, bakuna, doh, Health, measles outbreak, patay sa tigdas, tigdas, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.