Duterte duda sa alegasyong nakaw na yaman ng mga Marcos
Duda si Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon na may nakaw na yaman si dating Pangulong Ferdinand Marcos na umaabot sa $10 bilyon.
“Until now you have not proven anything except to sequester and sell. Hindi mo nga sigurado kung talagang kay Marcos ba ‘yan,” pahayag ni Duterte sa talumpati sa League of Municipalities of the Philippines.
Pahayag ito ng Pangulo kasabay ng muling pagdepensa sa kanyang desisyon na payagan ang paglilibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Noong 2017 ay sinabi na ni Duterte na handa ang pamilya Marcos na magsoli ng bahagi ng umanoy kanilang ill-gotten wealth at mga gold bars.
Pero kailangan ni Duterte ang pag-apruba ng Kongreso para sa posibleng immunity ng pamilya Marcos sakaling ibalik nila ang kanilang umanoy nakaw na yaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.