Kapwa nasa Vietnam na sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un para sa kanilang makasaysayang pulong.
Ang Vietnam summit ng dalawang lider ay ang kasunod ng serye ng mga pag-uusap ng dalawang lider sa Singapore noong nakaraang taon.
Sa pulong na magsisimula na mamaya, inaasahang mapag-uusapan nina Kim at Trump ang denuclearization ng Korean peninsula.
Batay sa schedule ng summit na inihayag ni White House spokeswoman Sarah Sanders, magkakaroon ng one-on-one conversation sina Trump at Kim Miyerkules ng gabi.
Susundan ito ng dinner kasama ang kanilang mga advisers.
Bukas naman araw ng Huwebes, kabi-kabilaan ang pulong na haharapin ng dalawang lider.
Samantala, napili ang Vietnam bilang lokasyon ng summit ng dalawang lider dahil sa malalim nitong ugnayan sa US at sa North Korea.