Ekonomiya ng Pilipinas lumago ng 6%

BALISACAN
Photo from NEDA

Lumago ng 6.0 percent ang ekonomiya ng bansa para sa ikatlong quarter ng taong 2015.

Iniulat ni National statistician Lisa Grace Bersales na mas mataas ito sa 5.8 percent noong second quarter ng 2015 at sa 5.5 percent sa parehong period noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Bersales, malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ang services sector na nakapagtala ng 4.2 percent kasunod ang industry sector na may 1.8 percent at ang agriculture sector na may 0.03 percent.

Ayon naman kay Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang paglagong ito ng ekonomiya ang dahilan upang pumangatlo ang bansa sa fastest growing economy sa Asia kung saan nangunguna ang China na may 6.9 percent na sinusundan ng Vietnam na may 6.8 percent.

Sinabi ni Balisacan na target ng bansa na maabot ang 6.9 percent GDP sa huling quarter ng kasalukuyang taon para makamit ang full-year target growth.

Read more...