Timbog ang dalawang lalaki sa buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Payatas B, Quezon City.
Ayon sa Police Station 6, ang mga suspek ay nakilalang sina Albert Aboga at J.R Abrera, parehong residente ng lungsod.
Positibong nakabili ng droga sa mga suspek ang pulis na nagpanggap na poseur buyer dahilan para arestuhin ang mga ito.
Bukod sa ibinentang shabu sa pulisya ay nakuhaan pa ang mga suspek ng 13 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P15,000.
Nakakulong ngayon sa Station 6 ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.