Duterte may ‘arrangements’ sa biyahe ni Misuari abroad

By Len Montaño February 27, 2019 - 03:34 AM

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa siya ng ilang “arrangements” para makabiyahe sa ibang bansa si Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari.

Sa kanyang talumpati sa General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) Martes ng gabi, binanggit ng Pangulo na nagpulong sila ni Misuari Lunes ng gabi.

“He was not allowed by the court to go out because he has pending charges when he was armed…so I had to make some arrangements. Sabi ko, this is a personal request of me, which I do not do at any time, at any other time. Sabi ko, papasukin — ah palabasin ninyo [I said, let him in — I mean, let him out]” pahayag ng Pangulo.

Pero hindi nilinaw ng Presidente kung kanino at kung saan ang ginawa niyang “arrangements” para sa biyahe ng MNLF leader.

Una nang sinabihan ng Pangulo ang militar at pulisya na hayaan at huwag arestuhin si Misuari.

Nakatakdang dumalo si Misuari sa 46th session ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) Council of Foreign Ministers sa United Arab Emirates (UAE) at sa pulong ng Parliamentary Union of the OIC Member States (PUIC) sa Morocco.

Pinagbigyan naman na ng Sandiganbayan ang motion to travel abroad ni Misuari araw ng Martes.

Nahaharap si Misuari sa kasong rebelyon kaugnay ng 2013 Zamboanga siege at nililitis ito ng Sandiganbayan sa 2 counts ng graft at 2 counts ng malversation through falsification of public documents dahil sa umanoy maanomalyang pagbili ng educational materials noong siya ang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

TAGS: arrangements, biyahe abroad, mnlf, Morocco, Nur Misuari, Rodrigo Duterte, arrangements, biyahe abroad, mnlf, Morocco, Nur Misuari, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.