Claudia Barretto kay Sarah G.: ‘Thank you for being an inspiration to me and many’

Ipinahayag ni Claudia Barreto sa pamamagitan ng social media ang kanyang paghanga sa Asia’s Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ito ay matapos ang kanilang naging pagtatanghal sa ‘ASAP Natin ‘To’ noong Linggo.

Inawit ni Geronimo ang mga kantang “Time After Time” at “Don’t Dream It’s Over” kasama si Barretto at sina Leila Alcasid at Jayda Avanzado.

Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan ni Barretto si Geronimo dahil sa pagiging isang inspirasyon nito sa kanya at sa nakararami.

Giit ng batang Barretto, tumatak ang kababaang-loob ng Popstar Royalty sa kanya at hinding-hindi niya umano ito malilimutan.

Si Claudia ay kapatid ng Kapamilya actress na si Julia Barretto at pinakabunso sa mga anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Read more...