Pinoy gymnast, nakakuha ng gold medal sa Australia

Carlos Yulo IG photo

Isang Filipino gymnast ang nakasungkit ng gold medal sa paligsahan sa Melbourne, Australia.

Nakakuha si Carlos Yulo ng score na 14-Point-Five-six-Six sa Men’s Floor Finals ng 2019 World Cup Gymnastics.

Sapat ito para talunin ni Yulo ang mga atleta mula Japan, Spain at Great Britain.

Noong nakaraang taon, bronze medal ang nakuha ng 19 anyos na Pinoy gymnast mula sa Artistic Gymnastics World Championships sa Qatar.

Read more...