Sa kanyang talumpati sa Manila Hotel araw ng Martes, sinabi ni Duterte na kung walang mapuntahan ang Rohinya refugees ay handa siyang tanggapin ang mga ito at gawing Filipino ang kanilang citizenship.
Matatandaang noong Abril noong nakaraang taon ay sinabi na ng presidente na handa siyang bigyan ng kanlungan ang Rohingya Muslims na umano’y biktima ng genocide sa Myanmar.
Gayunman ay binatikos ito ng Myanmar government dahilan para humingi ng paumanhin ang pangulo kay Myanmar leader Aung San Suu Kyi.
Samantala, nauna nang sinabi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na may mga pasilidad ang bansa para tumanggap ng mga refugees.
Noong 1975 anya ay libu-libong Vietnamese refugees ang tinanggap sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Refugee Processing Center (PRPC) sa Morong, Bataan.