Duterte handang tanggapin ang Rohingya refugees sa bansa

By Rhommel Balasbas February 27, 2019 - 02:20 AM

Muling nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang Rohingya refugees sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Manila Hotel araw ng Martes, sinabi ni Duterte na kung walang mapuntahan ang Rohinya refugees ay handa siyang tanggapin ang mga ito at gawing Filipino ang kanilang citizenship.

Matatandaang noong Abril noong nakaraang taon ay sinabi na ng presidente na handa siyang bigyan ng kanlungan ang Rohingya Muslims na umano’y biktima ng genocide sa Myanmar.

Gayunman ay binatikos ito ng Myanmar government dahilan para humingi ng paumanhin ang pangulo kay Myanmar leader Aung San Suu Kyi.

Samantala, nauna nang sinabi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na may mga pasilidad ang bansa para tumanggap ng mga refugees.

Noong 1975 anya ay libu-libong Vietnamese refugees ang tinanggap sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Refugee Processing Center (PRPC) sa Morong, Bataan.

TAGS: Filipino citizens, handang tanggapin, Myanmar leader Aung San Suu Kyi, Philippine Refugee Processing Center, Rodrigo Duterte, Rohingya refugees, Filipino citizens, handang tanggapin, Myanmar leader Aung San Suu Kyi, Philippine Refugee Processing Center, Rodrigo Duterte, Rohingya refugees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.