9 anyos na batang may senyales na ginahasa, nailigtas sa Cainta

By Len Montaño February 27, 2019 - 02:12 AM

Nailigtas sa ilalim ng tulay sa Brgy. San Juan sa Cainta, Rizal ang isang 9 anyos na batang babae na may senyales na ito ay ginahasa.

Sa report ng Rizal Provincial Police Office, ang bata na Grade 3 student ay nakita ng mga residente sa ilalim ng Mapandan Bridge sa Ortigas Avenue Extension sa Brookside Hills Subdivision Lunes ng hapon.

Ayon sa pulisya, may sugat sa ulo ang bata at dinala ito sa One cainta Hospital.

Nabatid na isang testigo ang nakakita na dinukot ang bata ng isang Pepito Tagal sa Block 42, Sitio Batasin sa Taytay alas 9:00 Lunes ng umaga.

Kasakuluyang nasa ospital ang bata habang tinutugis ng pulisya ang suspek.

TAGS: bata, Brookside Hills Subdivision, cainta, ginahasa, Mapandan Bridge, nailigtas, Rizal Provincial Police Office, tulay, bata, Brookside Hills Subdivision, cainta, ginahasa, Mapandan Bridge, nailigtas, Rizal Provincial Police Office, tulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.