Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng China ang naturang babala matapos ang dinner kamakailan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jianhua.
Kapag aniya hindi naging maayos ang deportasyon sa mga Chinese workers, gagawin din ito ng China sa mga Filipino workers na nasa Beijing.
“In fact, that is what the Chinese ambassador told me during dinner…. That if this government will just deport Chinese not in accordance with law then we will also do the same. That’s tit for tat,” ani Panelo.
Pero paglilinaw ni Panelo, walang problema sa China kung ipadedeport ang mga Chinese workers na talagang lumalabag sa mga batas ng Pilipinas.
Matatandaang kamakailan ay sinabi ni Pangulong Duterte na hayaan lamang ang Chinese workers na magtrabaho sa bansa dahil mayroong 300,000 na mga Pinoy na nagtatrabaho naman sa China.