Libu-libong residente na nasunugan sa Mandaluyong City, nanuluyan muna sa mga eskwelahan
Sa dalawang eskwelahan at isang kalapit na parke sa Mandaluyong City pansamantalang namamalagi ang libo-libong mga residente ng Barangay Addition Hills sa lungsod na nasunugan kahapon.
Sa pagtaya ng lokal na pamahalaan, nasa 4,000 hanggang 5,000 indibidwal ang nawalan ng tahanan dahil sa malaking sunog kahapon na umabot sa general alarm.
Ang mga nasunugang residente ay nasa Jose Fabella Elementary School, Andres Bonifacio Integrated School at sa Garden of PAGASA o Botanical garden.
Nanawagan naman ng tulong ang mga naapektuhang pamilya na karamihan ay halos walang naisalbang gamit.
Ayon kay Teresita Pillas, officer-in-charge ng City Social Welfare and Development Office ng DSWD, bago ang sunog na naganap kahapon sa nasabing barangay, may nauna nang sunog na sumiklab sa parehong lugar, dalawang linggo pa lamang ang nakararaan.
Tumagal ng walong oras ang sunog kahapon na nagsimula pasado alas 2:00 ng hapon at naapula pasado alas 10:00 na ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.