2 barangay sa San Jose, Occ. Mindoro apektado ng El Niño

By Angellic Jordan February 27, 2019 - 12:49 AM

File photo

Isinailalim sa state of calamity ang dalawang barangay sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sa El Niño.

Ayon sa mga lokal na opisyal, apektado ang Barangay Central at Barangay San Agustin nang matinding tagtuyot.

Naging problema na ang mga sakahan dahil natuyo na ang mga ilog sa bayan ng San Jose.

Dahil dito, wala nang napagkukunan ng tubig para sa irigasyon ng mga palay sa lugar.

Tinatayang tatlumpu’t isang milyong piso na ang halaga ng pinsala ng palayan.

TAGS: Barangay Central, Barangay San Agustin, El Niño, irigasyon, Occidental Mindoro, palayan, San Jose, State of Calamity, tagtuyot, Barangay Central, Barangay San Agustin, El Niño, irigasyon, Occidental Mindoro, palayan, San Jose, State of Calamity, tagtuyot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.