LOOK: Japeth Aguilar, nag-propose sa GF pagbalik sa bansa

Matapos tulungan ang Gilas Pilipinas na makapasok sa Fiba World Cup, isa pang winning move ang ipinamalas ni Japeth Aguilar.

Cassandra Naida Instagram Stories

Sa pag-uwi ng Gilas ay nag-propose si Japeth sa longtime girlfriend nitong si Cassandra Naida.

Nangyari ang proposal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinihagi ni Cassandra ang video ng kanyang daliri na suot ang engagement ring.

Japeth Aguilar Instagram Stories

Nirepost ito ni Japeth na sinamahan ng mensahe na engaged na siya sa pinaka-magandang babae sa buong mundo.

Sa Twitter ay pinasalamatan ni Cassandra ang kayang followers sa lahat ng mensahe para sa kanila ni Japeth.

Read more...