Field testing ng VRVMs, sinimulan na ng Comelec
Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang testing ng voter registration verification machines (VRVM) na layong pabilisin ang proseso ng May 2019 elections.
Sa pamamagitan ng scan ng fingerprint, naka-programa ang VRVM na malaman kung ang botante ay naka-lista sa partikular na polling precinct.
Kumpyansa ang Comelec na madaling matutukoy ng makina ang tinatawag na mga “flying voters.”
Sa araw ng halalan, papayagan ang mga botante na tatlong beses na ma-scan at maberipika ang kanilang fingerprint.
Pagkatapos ay maglalabas ang VRVM ng print out ng receipt na ipiprisinta sa board of election inpectors na siyang magbibigay ng balota sa botante.
Ang testing ay ginawa ng ahensya sa Barangay 657 sa Intramuros, Manila at sa Barangay Talipapa sa Quezon City araw ng Martes.
Target ng Comelec na magsagawa ng testing sa mas marami pang lugar sa bansa bago ang eleksyon sa May 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.