Coco Martin, sasagutin ang gastos sa burol at libing ni indie actor Kristofer King

Nag-alok si Kapamilya actor Coco Martin na sagutin ang gastos sa burol at libing ng pumanaw na indie actor na si Kristofer King.

Ibinahagi ng asawa ni Kristofer na si Joan Reyes ang kanilang pag-uusap ni Coco makaraang bumisita ito sa lamay kahapon.

Aniya, tinanong siya ni Coco kung magkano ang kailangang bayaran at bakit biglaan ang pagkamatay ng aktor.

Doon na sinabi ng aktor na sasagutin ang mga gastos sa burol at libing.

Unang nagkatrabaho sina Coco at Kristofer sa pelikulang “Masahista” ni Direk Brillante Mendoza at “Serbis.”

Napasama rin si King sa television hit series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang Alwyn Recio.

Read more...