Administrasyong Duterte hindi babalik sa martial law ayon sa Malakanyang
Tiniyak ng Palasyo na hindi babalik sa martial law ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bwelta ito ng Malakanyang sa pagkwestyun ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa pagtatag ni Pangulong Duterte ng Department of Human Settlements and Urban Development pati na ang planong pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas sa Maharlika.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais kasi ng nakaraang administrasyon na gayahin si dating Pangulong Cory Aquino na naupo sa pamamagitan ng people power at naging one-woman rule.
Iginiit pa ni Panelo na ayaw na ayaw ni Pangulong Duterte na maging diktador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.