Lindol naitala sa Eastern Samar

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Eastern Samar, Martes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 40 kilometers Northeast ng Borongan dakong 5:44 ng hapon.

May lalim itong 12 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...