Robredo: Manindigan at ipaglaban ang karapatang pantao
Pinuri ni Vice President Leni Robredo sina Caloocan Bishop Pablo David at Rappler chief executive officer Maria Ressa sa patuloy na paglaban sa karapatang pantao.
Sa kaniyang talumpati sa Ka Pepe Diokno Human Rights Award ceremonies sa De La Salle University, sinabi ni Robredo na makikita ang kahabagan at pakiisa ni Bishop David para ilabas ang katotohanan.
Naging “revolutionary” naman aniya ang pagtindig ni Ressa sa ipinaglalabang karapatan bilang isang mamamahayag.
Ani Robredo, ang istorya nina David at Ressa ay nagsisilbing mahalagang aral para sa publiko na hindi dapat basta-basta tanggapin ang mga kasinungalingan at walang basehang banta.
Ang aksyon aniya ng dalawa ang nagiging rason para manatili ang paniniwala sa paglaban para sa karapatang pantao.
Magugunitang kamakailan lang ay hinuli ng National Bureau of Immigration si Ressa dahil sa kasong cyber libel samantalang nakatatanggap naman umano ng bansa sa kanyang buhay si Bishop David.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.