PLDT tumugon sa hirit ng pangulo na dagdag na trunkline para sa 8888 hotline

Nagsasagawa na ng aksyon ang Philippine Long Distance Telephone o P-L-D-T para mapagbuti ang Citizen’s Complaint Center 8-8-8-8 ng gobyerno.

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang madagdagan ang trunkline para sa nasabing hotline.

Sinabi ng pangulo na palaging busy ang linya ng hotline na nagsisilbing numero ng pamahalaan kung saan maaaring magsumbong ang publiko sa katiwalian sa gobyerno.

Ayon kay P-L-D-T spokesman Ramon Isberto, nagsasagawa na ng hakbang ang kumpanya para ayusin ang hotline number.

Matatandaang pinagbantaan ng pangulo ang kumpanya na kapag hindi tumalima sa kaniyang utos, ipasasara niya ito.

Nauna dito ay lumiham na rin sa PLDT ang Department of Interior and Local Government na gawing libre ang pagtawag sa nasabing hotline kahit na cellphone ang gamitin ng isang magsusumbong laban sa katiwalian.

Read more...