Pang. Duterte hindi na magpapa-imbita sa mga kasal o binyag

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa mga kasal o binyag.

Paliwanag ng pangulo, hindi na kasi siya pumapasok sa simbahan para manalangin.

Maari naman aniyang maupo na lang sa tabi ang isang tao para magdasal at hindi na kailangan na pumunta ng simbahan.

“Ako — kaya ako ‘yung ninong-ninong sa kasal pati sa binyag sabi ko, “Do not invite me.” ‘Di na ako pumapasok ng simbahan. I pray to God. Mag-upo ka lang diyan, then you pray to the… Hindi naman kailangan na magpunta ka pa doon sa… What for?” ayon sa pangulo.

Una rito, sinabi ng pangulo na ang Simbahang Katolika ang pinaka-ipokritong institusyon.

Dagdag ng pangulo, mawawala na ang catholicism sa susunod na dalawampu’t limang taon kung patuloy na makararanas ng imoralidad at madadawit sa sekswal na pang abuso ang mga pari.

 

Read more...