Foreign Minister ng Iran, nagbitiw na sa pwesto; pagbibitiw inanunsyo sa Instagram
Inanunsyo ni Iran Foreign Minister Mohammad Javad Zarif sa kaniyang Instagram account ang pagbitiw nito sa pwesto, na kinumpirma din ng Iran state-run news agency (IRNA).
Ang 59-anyos na Foreign Minister ay nakapagtapos ng PhD International Law sa University of Denver sa US.
Mahalaga ang papel ni Foreign Minister Mohammad Zarif sa pakikipag-ugnayan para sa 2015 nuclear agreement ng Iran sa ibang major international powers.
Subalit naging malabo ito nang tapusin ni US President Donald Trump ang pakikipag-ugnayan sa nasabing kasunduan.
Naging Iran ambassador muna si Zarif bago ito naluklok bilang Foreign Minister noong 2013.
Humingi ito ng tawad sa kaniyang Instagram post at hindi pa malinaw ang dahilan nito sa pagbitiw sa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.