Bus Terminal sa New York isinara dahil sa kanina-hinalang bagahe
Pinalikas ang mga tao na nasa Port Authority Bus Terminal sa New York City at sa mga kalapit na kalsada, matapos may makitang kahina-hinalang bagahe ang mga otoridad.
Apektado ng ipinatutupad na shut down ang 8th Avenue sa pagitan ng 40th at 42nd Street.
Sa report ng CBS New York, nakita ang bagahe sa lugar at binubusisi ito ngayon ng mga otoridad.
Para matiyak ang kaligtasan, lahat ng mga taong nasa paligid ay pinalayo muna at isinara muna ang Port Authority Bus Terminal.
Mababasa naman sa tweet ng mga netizens na naroon sa lugar na kinordonan na ng mga pulis at marami nang police mobile ang nasa palibot ng terminal. May mga helicopter na ring rumesponde.
Isa naman sa mga pasahero ang nag-tweet at kinumpirmang kabilang siya sa mga pinalikas mula sa terminal.
“I just got evacuated from #portauthority. Suspicious package. Army and cops everywhere,” ayon sa tweet ng netizen na si Kevin Barclay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.