Bagyong may international name na Wutip, bahagyang humina – PAGASA
Nabawasan ang lakas ng bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Nananatiling namang nasa typhoon category ang bagyong Wutip na huling namataan sa layong 1,970 kilometers East ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, sa Huwebes ng umaga inaasahang papasok ng bansa ang bagyo at papangalanang “Betty”.
Gayunman, unti-unti itong hihina dahil sa malamig na hangin na hatid ng Northeast Monsoon o Amihan.
Sa Biyernes ayon sa PAGASA maaring isa na lamang tropical depression ang bagyo at hindi rin inaalis ang posibilidad na humina ito bilang Low Pressure Area na lamang o tuluyang malusaw.
Wala pang direktang epekto sa bansa ang nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.