R&B star R. Kelly, nakalaya matapos magpiyansa ng $100,000 sa kasong sex abuse

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern February 26, 2019 - 11:39 AM

Pansamantalang nakakalaya na ang R&B star habang hinihintay ang paglilitis sa kanyang kasong sex abuse sa 3 menor de edad at 1 babae na nangyari noong 1998.

Ang 52-anyos na singer-songwriter ay inaresto noong Biyernes dahil sa 10 counts ng aggravated sexual abuse.

Itinaas din ang parusa sa $1 million kung saan kailangan niyang bayaran ang 10 porsyento nito upang makalaya.

Ilang dekada nang kinakaharap ni R. Kelly ang mga alegasyon ng pang-aabuso sa mga menor de edad at kakabaihan. Patuloy naman niya itong itinatanggi at naabswelto siya sa kasong child pornography noong 2008.

Ang bawat bilang ng mga bagong kaso kay R. Kelly ay may katumbas na hanggang 7 taong pagkakakulong at posibleng makatanggap siya ng 70 taong hatol.

Ang mga kaso laban sa performer ay lumabas ilang linggo matapos i-ere ang documentary series na “Surviving R. Kelly” kung saan ilang mga kababaihan ang nag-aakusa sa kanya ng sexual misconduct at abuse.

TAGS: R. Kelly, Radyo Inquirer, sexual abuse, R. Kelly, Radyo Inquirer, sexual abuse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.