P750K na halaga ng shabu nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Negros

Aabot sa kabuuang P750,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa sa Negros.

Sa Bacolod City, nakumpiska ang 13 malalaking sachet ng hinihinalang shabu mula sa magkasintahan at isa nilang kasamahan.

Tinatayang nasa P531,000 ang halaga ng mga ilegal na droga na nakuha sa tatlong suspek.

Samantala, arestado naman ang tatlong lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Silay City.

Nakuhanan sila ng 64 na maliliiit na sachet ng hinihinalang shabu na base sa pagtaya ng pulisya ay P225,000 ang halaga.

Kakatapos lamang umano i-repack ang nasabing mga shabu at ibebenta na sana sa iba’t ibang barangay sa Silay City.

Ang anim na naarestong mga suspek ay sasampahan ng karampatang kaso.

Read more...