5 lalaking nagsusugal arestado matapos mahulihan ng shabu sa Maynila

By Ricky Brozas February 26, 2019 - 08:46 AM

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District Station 3 ang limang lalake na nagsusugal ng Lucky 9 sa Elias Street kanto ng Aragon Street sa Barangay 352 Zone 35 sa Sta. Cruz, Maynila.

Maliban sa pagsusugal ng cara y cruz, nakumpiskahan din ng bawal na droga sina Roberto Zaragoza Jr. alyas Sausa at alyas Boy, 68 anyos; Noel Villanueva alyas Noel, 48 anyos; Ambrocio Salazar alyas Ambo, 43 anyos; Alexander Pindeda alyas Aley, 50 anyos at si Ramundo Lansuela alyas Punggok, 40 anyos.

Sa paghuli ng mga pulis sa limang suspek, nakuha sa kanila ang maliliit na plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Kinumpiska rin ang mga baraha na gamit sa paglalaro ng Lucky 9 at ang P450 na pustahan.

Ang mga nakakulong na suspek ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang anti-gambling law at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o illegal possession ng bawal na droga.

TAGS: drugs, manila police, War on drugs, drugs, manila police, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.