Napatunayang guilty sa multiple child sex offenses ang isang cardinal na nagsisilbing treasurer sa Vatican.
Guilty ang hatol ng korte sa Melbourne, Australia kay Australian Cardinal George Pell, 77 anyos.
Ito ay kaugnay sa kasong sexual penetration of a child at apat na kasong indecent act na kinakaharap ni Pell mula noon pang 1990s.
Si Pell ay Vatican treasurer at close adviser ni Pope Francis.
Si Pell na ang maituturing na most senior Catholic official na nahatulang guilty sa kasong may kinalaman sa child sex offenses.
Nagsimula umano ang paglilitis ng korte kay Pell noon pang November 2018 pero hindi ito pinayagang i-cover ng media.
Isang lalaki ang inihiarap sa korte na nagsabing siya ay biktima ng sexual abuse at si Pell ang suspek.
Sinabi nitong maliban sa kaniya, mayroon pang isang lalaki na biniktima rin si Pell.
Kalaunan ang ikalawang biktima ay nasawi dahil sa drug overdose.