1 patay, 3 sugatan matapos araruhin ng isang cement mixer ang ilang sasakyan sa Nueva Vizcaya
Isa ang patay habang sugatan ang tatlong iba pa matapos araruhin ng isang cement mixer ang ilang mga sasakyan sa bahagi ng Bambang, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Sr. Insp. Samuel Lopez, hepe ng Bambang police, nawalan ng preno ang cement mixer sa pababang bahagi ng national highway ng Barangay Banggot.
Dahil dito, inararo niya ang mga sasakyang kaniyang sinunsundan.
Unang nabangga ng mixer ang isang motorsiklo na minamaneho ni Erwin Carnate. Nakaligtas si Carnate pero patay ang angkas nitong si Merlyn Acpal.
Nabangga din ng mixer ang isang trak na nakaparada lang sa gilid ng kalsada kung saan nasugatan ang driver nitong si Ronnie Todenio.
Matapos ito ay binangga pa ng mixer ang isang SUV na minamaneho ni Teofilo Sison Jr.
Hawak naman na ng mga otoridad ang driver ng mixer na si Diamante Bautista at mahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries at damage to property.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.