Illegal Chinese workers na nasa Pilipinas, mananagot sa batas ayon sa Malakanyang

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na mananagot sa batas ang mga Chinese workers na iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nananatili ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang immigration law.

Hindi lang anya ang mga Chinese workers ang mananagot kundi maging ang iba pang dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Una rito sinabi ng pangulo na hahayaan lamang niya ang hindi ipadedeport ang mga Chinese workers na nasa Pilipinas.

Ito ay sa gitna ng pangamba ng ilang mambabatas na maagawan ng trabaho ang mga Pinoy workers.

Read more...