US Navy ships naglayag sa Taiwan Strait sa gitna ng tensyon sa China
Naglayag sa Taiwan Strait ang dalawang Navy ships ng Estados Unidos.
Ayon sa US Pacific Fleet, ang dalawang barko ng Navy ay dumaan sa Taiwan Strait at bahagi ito ng pagpapakita ng commitment para sa free at open na Indo-Pacific.
Tinukoy ang mga naglayag na barko na destroyer Stethem at ang Navy cargo and ammunition ship na Cesar Chavez.
Inaasahan namang hindi magiging maganda ang reaksyon dito ng China.
Pero ayon sa US Pacific Fleet, magiging positibo ang reaksyon dito ng Taiwan at makikita ito bilang suporta ni US President Donald Trump sa tensyon na namamagitan sa Taipei at Beijing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.