Lola na nangunguha ng bata sa Marikina, arestado

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2019 - 06:49 AM SHARE(S):

Arestado ang isang 70-anyos na lola sa Marikina City dahil sa tangkang pagkuha sa dalalawang bata sa Marikina City.

Kumakain umano sa labas ng kanilang bahay ang isang bata nang sapilitan siyang hinila ng suspek sa Malvar Street sa Barangay Jesus Dela Peña.

Pero napansin ito ng nanay ng bata kaya agad niyang nahila ang kaniyang anak.

Matapos ito isang bata na naman ang tinarget muli ng suspek pero mabilis ding nakatakbo ang nanay at nagawang humingi ng tulong.

Doon na nadakip ng mga tauhan ng barangay ang matanda na natuklasang residente ng Bulusan, Sorsogon.

Sinampahan na ng kasong Attempted Abduction in relation to RA 7610 ang matandang babae at kasalukuyang nakakulong sa Marikina City Police Detention Cell.

Pinayuhan naman ng pamunuan ng barangay ang mga residente na maging maingat at alerto sa lahat ng oras.

TAGS: Abduction, crime, Kidnapping, Marikina City, Radyo Inquirer, Abduction, crime, Kidnapping, Marikina City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.