3 umano’y nangunguha ng mga bata sa QC, arestado

By Len Montaño February 26, 2019 - 03:51 AM

Arestado ang tatlong suspek na umanoy nangunguha ng mga bata sa Quezon City Lunes ng hapon.

Ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), nakatanggap sila ng tawag mula sa mga opisyal ng Brgy. Commonwealth kaugnay ng umanoy mga taong nangunguha ng mga bata sa lugar.

Pagdating sa lugar alas 3:3o ng hapon ay nasa kustodiya na ng barangay si Norly Rafael pero nakatakas ang mga kasabwat nito.

Sa panayam sa naarestong suspek, ibinunyag nito na naghihintay ang mga kasama nito sa Tala, Caloocan City.

Nagsagawa ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagka-aresto kina Danilo Bacabis at Bonifacio Lababo.

Samantala, sinabi ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar na ang mga naaresto ay suspek sa tangkang pagkidnap sa limang bata sa Litex Road, Quezon City.

Ang modus anya ng mga suspek ay kunwaring nanghaharana at may dalang gitara.

May aktuwal na insidente na nilapitan ang isang 4 anyos na bata pero nagpumiglas ito at nakauwi.

Nilinaw ni Eleazar na walang nakuhang bata pero nakakaalarma anya ang insidente at nais ng pulisya na huwag na itong maulit.

TAGS: bata, nanghaharana, nangunguha ng bata, NCRPO, NCRPO chief Guillermo Eleazar, bata, nanghaharana, nangunguha ng bata, NCRPO, NCRPO chief Guillermo Eleazar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.