4 na armadong lalaki, arestado sa checkpoint sa Pasay

By Len Montaño February 26, 2019 - 03:13 AM

Contributed photo

Arestado ang apat na armadong lalaki na sakay ng isang SUV sa checkpoint sa Pasay City Lunes ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Lintang Pahiz, Salikaya Panday, Abdullah Tanggote at Amer Adam,

Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Pasay Police na isang grupo ng mga armadong lalaki ang sakay ng itim na Mitsubishi Montero.

Ang mga suspek ay sangkot umano sa dalawang insidente ng pamamaril sa Pasay City kung saan isang Bangladeshi national ang mastermind.

Naglagay ng checkpoint ang pulisya sa Taft Avenue kanto ng Protacio St., Brgy. 87 kung saan naharang ang mga suspek.

Contributed photo

Narekober sa apat ang dalawang caliber 45 pistols kasama ang dalawang magazines at 14 live ammunition.

Samantala, isa pang caliber .45 at isang 9mm ang nakuha sa follow-up operation sa hideout ng apat na suspek sa naturang lungsod.

Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa gun ban kaugnay ng Omnibus Election Code.

TAGS: armadong lalaki, checkpoint, Gun ban, Omnibus election code, Pamamaril, Pasay City, suv, armadong lalaki, checkpoint, Gun ban, Omnibus election code, Pamamaril, Pasay City, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.