Sa kanyang talumpati sa mga lider ng barangay sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na ang pagkarekober sa bloke bloke ng mga cocaine sa mga karagatang sakop ng bansa ay patunay na nakarating na ang Medellin group ng Colombia.
“We are facing a serious problem. Pumasok na ang cartel Medellin ng Colombia kaya nga maraming nakikitang cocaine,” ani Duterte.
Ayon sa Pangulo, ang mga droga ay galing sa mga lumang trawler na uri ng sasakyang pandagat at may nakadikit na GPS saka itinatapon sa dagat.
Ang droga anya ay saka iti-trace at kukunin ng mga drugs traffickers.
Aminado si Duterte na malaking hamon na bantayan ang buong shoreline ng bansa para hindi makapasok ang iligal na droga.
“We are in danger dahil on the right side, ang Mexico, ang Medellin, Colombia, pumapasok. Dito kung makikita mo lumulutang shabu, cocaine. At mahirap ang Pilipinas dahil pinakamahabang shoreline. Kulang tayo. So I cannot afford na may isang patrol dito, island per island, ganun kahirap,” dagdag ng Pangulo.