WATCH: Holdap sa loob ng taxi, kuha sa dashcam

Tinutugis na ngayon ng pulisya ang lalaking nangholdap sa isang taxi driver sa Caloocan City noong Biyernes.

Nakuhanan ng dashboard camera ang nangyaring holdap sa loob ng taxi.

Sa kuha ng dashcam ng taxi unit ng driver na si Wilmor Capellan, kuha ang isang lalaking pasahero na naka-jacket at sumbrero.

Ayon kay Capellan, pagdating sa Samson Road sa Caloocan ay nagsabi ang lalaki ng baba kaya binuksan ng driver ang ilaw ng taxi.

Pero bigla itong pinapatay ng suspek na sa puntong iyon ay may nakatutok ng baril sa driver.

Sinabi ni Capellan na nataranta ang suspek sa pagbukas niya ng ilaw sabay sabi ng holdap kundi ay puputukan siya.

Nakuha ng holdaper sa biktima ang P21,000 na cash, cellphone at relo.

Ayon sa pulisya, tukoy na nila ang holdaper at nakatakda na nila itong sampahan ng kaso.

Read more...